Translate

Saturday, December 15, 2012

Ang Karora at iba pang salitang Tagalog-Hindi-Sanskrit

Alam niyo ba na ang "sampung milyon" ay may bersyon sa wikang Tagalog?

Ang lumang tawag sa "sampung milyon" ay karora. Ang karora ay isang lumang salitang Tagalog na nagmula sa salitang Hindu na crore, na hanggang ngayon ay ginagamit pa din sa mga bansa sa Timog Asya gaya ng Bangladesh, India, Nepal, Pakistan at Sri Lanka.


Mas madalas itong ginagamit noon, bago pa dumating ang mga Kastila, kung kailan ang mga dayuhang negosyante mula sa Timog Asya ay nakikipagkalakan na sa mga sinaunang Pinoy. Isa ito sa mga hiram na salita sa wikang Hindu at Sanskrit na nalipasan na ng panahon. Ang ilan sa mga salitang hiram sa Hindu at Sanskrit na hindi na ginagamit ay ang "kapas", na ngayon ay bulak, at ang "naga", na Tagalog para sa salitang dragon.



Ngunit hindi lahat ng hiram na salitang galing sa Timog Asya ay limot na. Ang ilan sa mga salitang ito na naging bahagi ng bokabularyong Tagalog hanggang sa ngayon ay ang mga sumusunod:

  • asa - umasa, aasa, pag-asa, asahan
  • atsara - achara
  • asawa - mag-asawa
  • bahala - bahala na, bahala ka
  • Bathala
  • bahagi - kabahagi, bahagian
  • balita - balitaan, nagbabalita
  • beranda - veranda
  • budhi
  • diwa
  • diwata
  • dukha - kadukhaan, karukhaan
  • guro
  • karma - makarma
  • katha - kathain, kinatha
  • laho - naglaho
  • lakambini
  • maharlika
  • mukha - kamukha, mukhang, pinag-mukha
  • puri - pagpupuri, kapurihan
  • salita - sinasalita, pinagsalita, salitaan
  • sampalataya - sumampalataya, sumasampalataya
  • sarong
  • sutla - mala-sutla
  • tsaa - chaa

4 comments:

  1. sa lugar namin (gapas) ang tawag sa bulak, Saang lugar po ba ginagamit ang salitang (Kapas)?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malamang po ay pareho lang ang pinanggalingan ng salitang 'gapas' at 'kapas' at ito po ay salitang Sanskrit.

      Delete
  2. sa lugar namin (gapas) ang tawag sa bulak, Saang lugar po ba ginagamit ang salitang (Kapas)?

    ReplyDelete
  3. MGM Resorts Names Julie Cameron-Doe as its - JTM Hub
    “As a result of the 포항 출장마사지 successful acquisition of the MGM 파주 출장샵 Resorts Casino in Las Vegas, she now bet365 serves as its head of “We are excited 구미 출장안마 to further enrich our 양주 출장샵 online gaming experience.

    ReplyDelete