Alam niyo ba na isang Pinoy ang isa sa mga lumikha ng isa sa mga pinakasikat na X-Men character, na si Bishop?
Si Whilce Portacio ay pinanganak sa Cavite ngunit lumaki at tumira sa Amerika. Sa murang edad, nakahiligan na ni Portacio ang pagbabasa ng komiks. Nagsimula ito nang itatapon na sana ng kanilang kapitbahay ang mga koleksyong komiks ng kanyang asawa. Dito na nakilala ni Portacio ang mga likha ni Jack Kirby at Neal Adams, dalawang taong naging impluwensya ni Portacio sa kanyang sining. Si Kirby lang naman ang isa sa lumikha sa Fantastic Four, Captain America, Avengers at marami pang iba. Si Adams naman ay kilala sa mga kontribusyon niya sa mga komiks ng Batman, X-Men, Green Lantern, Green Arrow at marami pang iba.
Ang mala-alamat na si Whilce Portacio |
Si Bishop ay isa sa mga miyembro ng X-Men. Ngunit di katulad ng ibang miyembro, siya ay nagmula sa future. Litrato mula sa http://thefirstruleoffilmclub.wordpress.com |
No comments:
Post a Comment